Apat sugatan sa salpukan ng jeepney, delivery truck

APAT na katao ang sugatan  nang magsalpukan ang isang pampasaherong jeep at ang delivery truck na naglalaman ng mga gulay sa San Andres, Maynila, Biyernes ng madaling araw.

Agad isinugod sa Ospital ng Maynila ang mga biktimang sina: Katherine Agla, 21, Enrico Costibilio,39, Roberto Obas,26 at Edgardo Lakandula, 39.

Iniimbestigahan sa Traffic Bureau ang nadakip na driver ng delivery truck na si Danilo Madera, 24. Ang truck ay mula sa Baguio City at may dala-dalang mga gulay na ibebenta sa Maynila.

Batay sa ulat na isinumite ni PO3 Jaime Gonzalez Jr. kay Chief Insp. Reyanaldo Nava ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit, dakong alas-singko ng madaling araw nang naganap ang insidente sa panulukan ng Osmeña Highway at San Andres.

Minamaneho ni Lakandula ang isang pampasaherong jeepney (PYR 319) sakay ang kanyang mga pasahero nang sa pagtawid nito sa Osmeña Highway nang salpukin ng rumaragasang six-wheeler closed van (DCW 842) na minamaneho ni Madera.

Dahil sa aksidene ay naging mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.  Rene Crisostomo

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply