Apektado ng pag-ulan sa Caraga umabot na sa 172,990

DAHIL Sa patuloy na pag-ulan sa buong rehiyon ng Caraga, umaabot na sa 172,990 tao ang apektado nito ayon sa report ng Caraga Office of the Civil Defense.

Tinatayang halos 300 barangay na ang naapektuhan bunsod ng malakas na pag-ulan nitong nagdaang mga araw.

Ayon sa datos, 33,600 pamilya o 172,990 indibidwal na ang apektado sa walang humpay na pag-ulan na nagresulta ng mga pagbaha at landslides.

Sa evacuation centers ay mayroon nang 1,369 pamilya ang nailikas.

Sa huling ulat, dalawang katao na ang namatay kinilalang sina Ricarte Ganzan, 70, at Reyan Bahan, 7, kapwa ng Tubay sa Agusan del Norte, samantalang pinakahuling nawawala ay si Amado Basadre, ng San Francisco, Surigao del Norte.

Patuloy naman ang pamamahagi ng tulong ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council o RDRRMC. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply