Apela ng DOE oil traders: Huwag gumawa ng panic

UMAPELA ang Department of Energy (DoE) sa oil traders na huwag masyadong magbigay ng ispekulasyon  hinggilsa gulo sa Middle East.

Ayon kay DOE- Oil Industry Management Bureau Director Zenaida Monsada, may sapat na suplay ng langis ang bansa kaya kahit tumindi pa ang political tension sa nasabing rehiyon ay hindi masyadong maaapektuhan ang Pilipinas.

Dagdag ni Monsada, hindi naman sa Yemen, Libya at Bahrain kumukuha ng langis ang Pilipinas kundi sa Saudi Arabia, United Arab Emirates, Oman at Iran.

Ipinakita sa datos na 81 porsiyento ng crude oil imports ng Pilipinas noong nakaraang taon ay nagmula sa nasabing rehiyon.

Kasabay nito, pinaigting na rin umano ng gobyerno ang alerto hinggil sa presyo at suplay ng langis sa harap ng nangyayaring kaguluhan sa Middle East.

Pinangangambahang magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng langis at pagtaas ng presyo nito dahil isa ang Libya sa mga pinakamalaking oil exporter sa mundo.

Sinabi ni Energy Secretary Jose Almendras na mahigpit ang kanilang pagbabantay sa inventory ng oil companies at gas stations para maiwasan ang pananamantala sa sitwasyon. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply