Apela ni Lauro Vizconde dedma sa Webb

HINDI nababahala ang kampo ni Hubert Webb sa ikalawang motion for reconsideration na inihain ni Lauro Vizconde sa Korte Suprema.

Ayon kay Atty. Demetriu Custodio, abogado ni Webb, hindi pinapayagan ng batas ang ikalawang motion for reconsideration.

Dahil doon, umaasa umano sila na hindi bibigyan ng konsiderasyon ng Korte Suprema ang ikalawang apela ni Vizconde.

Sinabi pa ni Custodio na pinag-aaralan na nilang ipagpaliban ang paghahain ng reklamo laban kay Jessica Alfaro, star witness ng prosekusyon, kasunod ng inihaing second MR ni Vizconde.

Posible umanong hintayin muna nilang maresolba iyon ng Korte Suprema bago nila isampa ang reklamo laban kay Alfaro para matiyak na wala nang magiging hadlang sa pag-usad ng kaso.

Tiwala rin si Custodio na aabutin lamang ng ilang araw ang Korte Suprema bago makapagpalabas ng desisyon sa panibagong apela ni Vizconde. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply