Archbishop Rosales ipinanalangin si Reyes

NAG-ALAY ng isang maigsing panalangin si Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales para sa yumaong dating Armed Forces chief at kalihim ng Department of Defense (DND) na si Angelo Reyes at sa pamilya nito.

Sa naturang panalangin, hiniling ni Rosales sa Diyos na pangalagaan ang kaluluwa ng yumaong heneral at bigyang-liwanag ang kanyang mga mahal sa buhay upang maunawaan ng mga ito ang buhay, kapalaran at ang pagmamahal ng Diyos.

Nagpahayag rin naman ng pag-asa si Rosales na dahil sa nangyari ay magkakaroon na ng pagkakaunawaan, magkakapatawaran ang mga nagkasala at pinagkasalahan, at ang mga taong nakasakit ay maghuhunos-dili.

Ayon kay Rosales, dapat na maunawaan ng lahat na ang bawat tao ay may kahinaan at nangangailangan ng pang-unawa.

Giit pa ni Rosales, ang kapayapaan at katahimikan ay sa Panginoon lamang matatagpuan ng tao.

“Ang ating panalangin para sa kaluluwa ni Secretary Reyes: Inyo po sanang pangalagaan ang kaluluwa ni  Secretary  Reyes, kawaaan,  patawarin at  bigyan ng liwanag pati ang  kanyang  mga minahal sa buhay, mga pamilya at kaibigan,” bahagi ng panalangin.

Para sa pamilya naman “Liwanagan ang buhay upang maunawaan nila ang buhay ng kapalaran at higit sa lahat ang pagmamahalan ng Diyos. Kung mayroon mang nagkamali ay magkaunawaan, magkapatawaran at yung din namang  mga  nakasakit ay maghunos-dili  sila, makita nila na ang bawat  tao ay may kahinaan,  ang   bawat tao ay nangangailangan ng pang- uunawa. Ang kapayapaan  at katahimikan ay sa Diyos lamang matatagpuan,” aniya pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply