ARMM poll registration sa Marso na

BAGAMAT nakaumang ang mga panukalang pagpapaliban sa halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, itinakda na ng Commission on Elections  ang registration of voters para rito sa buwan ng Marso.

Sa ipinalabas na Resolution 9144 ng Comelec, nabatid na sisimulan ang voters’ registration sa Marso 21, 2011.

Inaasahang magtatagal ito sa loob ng 10 araw, o hanggang sa Marso 31, 2011.

Ayon sa Comelec,  maaaring makapagparehistro ang mga Filipino citizen na naninirahan sa mga lalawigan ng Basilan (maliban ang Isabela City), Sulu, Tawi-tawi, Maguindanao (maliban ang Cotabato City) at Lanao del Sur.

Nakasaad din sa resolusyon na anumang aplikasyon para sa pagpapatala, transfer ng registration records, pagpapalit o pagtatama ng entry sa registration records, reactivation ng registration record at inclusion ng registration record o reinstatement ng pangalan sa listahan ng botante ay dapat na personal na isumite sa Office of the Election Officer ng lungsod o munisipalidad kung saan nakatira ang aplikante.

Bukas umano ang pagpapatala mula Lunes hanggang Sabado, kabilang ang holiday mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

“Applications for registration, transfer of registration records, change/correction of entries in the registration records, reactivation of re-gistration records and inclusion of registration records/reinstatement of name in the list of voters,  shall be personally filed beginning March 21, 2011 to March 31, 2011 at the Office of the Election Officer of the City/Municipality where the applicants resides, from Monday to Saturday, inclusive of Holidays during regular office hours at 8 o’clock AM to 5 o’clock PM,” bahagi ng resolusyon.

Ang mga magpaparehistro ay kinakailangang magdala ng Identification Card na may lagda ng employer, postal ID, student’s ID o library card, senior citizen’s ID, driver’s license, NBI/PNP clearance, passport, SSS/GSIS ID, IBP ID, PRC ID at sedula.

Una nang inianunsiyo ng Comelec na matuloy man o hindi ang halalan sa ARMM sa Agosto 8, tuloy ang paghahanda nila para rito upang makaiwas sa aberya. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply