Arvindugo dinugo kay Prince Isiah

NAHIRAPANG manalo si Arvindugo noong Miyerkules ng gabi, Pebrero 16, sa naganap na Three-year-old Conditions A-1-2 sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Ganunpaman ay naipakita pa rin ni Arvindugo na handa na siyang makipaglutsahan sa lalahukang stakes race na gaganapin sa San Lazaro sa Pebrero 27.

Pinaghahandaan ni Arvindugo ang PCSO Freedom Cup race kung saan ay makakaharap niya ang limang matitikas na kabayo sa bansa.

Si many-time Philippine Sportswriters Association (PSA) jockey-of-the-year awardee Patty Ramos Dilema muli ang rerenda kay Arvindugo sa nasabing malaking karera.

Nanalo si Arvindugo na hirap lumampas kay Prince Isiah sa huling 50 metro ng laban.

“Akala namin hindi lalampas pero nagawan ng paraan ni Patty (Dilema) kaya nakaungos din.” sabi ng isang kareristang nakataya kay Arvindugo.

Nakopo ni Arvindugo ang halagang P20,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Samantala, ang ibang kalahok sa nasabing tampok na karera kung saan ay P300,000 ang nakataya para sa mananalong kabayo ay sina, Whistler, Yellow Citizen, Magna Carta, Hi Money at Narra. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply