ASG sub-leader utas sa sagupaan

ZAMBOANGA CITY – Patay sa panibagong sagupaan ang isang Abu Sayyaf Group (ASG) sub-leader sa isinagawang security operations ng operating elements ng 32nd Infantry Battalion sa Barangay Sinangkapan, Tuburan, Basilan, Martes ng umaga.

Sa report na ipinalabas ni Special Operation Task Force Basilan Commander B/Gen. Nicanor Dolojan, nakasagupa ng mga sundalo sa pangunguna nina 1/Lt Olarte at 1/Lt. Dioneda ang grupo ni Abu Sayyaf sub-leader Suhud Tanajalin.

Matapos ang tatlong minutong putukan, naiwang nakatimbuwang ang mismong leader ng bandidong grupo habang walang naiulat na casualties sa panig ng gobyerno.

Narekober sa lugar ng sagupaan ang isang M653 (baby armalite) na may anim na long magazines para sa M16 rifle. Gwenn Salamida

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply