‘Ativan Gang’ namamayagpag na naman

NAMAMAYAGPAG na naman ang mga grupo ng “Ativan Gang” matapos na mambiktima ng dalawang banyaga sa magkasunod na araw sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.

Personal na dumulog Sabado, Pebrero 12, sa himpilan ng MPD-General Assignment Section (MPD-GAS) ang mga biktima na sina Korean national a si Kim Chang-Won, 49, at si Lejandro Gavino Spinner, 34, ng Spain.

Sa report ni PO3 Henry Ligson ng GAS, dakong 3:00 ng hapon noong Huwebes, Pebrero 10, nang mabiktima si Won ng apat na katao kabilang ang dalawang babae habang namamasyal sa Rizal park at nakuha sa kanya ang halagang P140,000.

Parehong  pagkakailanlan din ng mga suspek  ang nambiktima kay Spinner, Biyernes ng hapon, Pebrero 11, kung saan unang istilo ng mga ito ang makipagkaibigan sa nais nilang biktimahin saka ipapasyal sa mga lugar na madalas pinupuntahan ng mga banyaga tuwing nagbabaksyon sa Pilipinas.

Ayon kay Spinner, nakilala niya ang mga suspek na nagpakilalang Joel, 34, Mark, 34, Stella, 48 at Edna, 35, at niyaya itong kuymain sa maliit na restaurant saka ipinasyal ito sa China Town saka umikot sa Chinese Cemetery.

Nang magsawa ang mga suspek ay dinala si Spinner sa lugar ng mga suspek sa Quezon City kung saan may nagaganap pa umanong birthday party at pinainom ito ng ilang bote ng beer hanggang sa malasing.

Nang magising ay wala na ang kanyang 250 Euro at P15,400 cash. HInanap niya ang suspek ngunit wala sa lugar ang mga ito.

Isang Tina de Guzman naman umano ang tumulong kay Spinner upang makabalik sa Maynila.

Ayon sa pulisya,possible umanong iisang grupo lamang ang nambiktima kay Won at Spinner dahil pareho umanong 2 lalaki at 2 babae ang nambiktima sa kanila at magkasunod na araw pa nangyari ang insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply