Awtomatik-bayad utang buwagin na!

MAY panukala sa Kamara na tadyakan o pawalambisa na ang mga batas na nagtatakda ng awtomatik na pagbabayad ng utang ng gobyerno.

Matatandaan pa natin, Suki, na may ipinalabas noon si Manong Ferdie na presidential decree na awtomatik na kakaltasin sa badyet ng pambansang gobyerno ang pambayad sa mga utang, panloob man o panlabas.

Nang bumagsak ang kanyang rehimen at pinalitan siya ni Aling Cory, nagulat ang lahat nang sabihin ng huli na ipagpapatuloy nito ang pagbabayad ng utang gaya ng ginawa ni Manong Ferdie.

Ginawa iyon ni Aling Cory kahit alam niyang puno ng anomalya ang mga utang.

Noon ngang Ombudsman pa lang si Aniano Desierto, nakuwenta niyang umabot ang behest loans o utang na may pagnanakaw noong panahon ni Manong Ferdie sa halagang nasa P1.3+ trilyon.

oOo

Ang panukala sa Kamara ay nagsasabing ibalik na sa kamay ng Kongreso at hindi panatilihin sa batas nina Manong Ferdie at Aling Cory ang kapangyarihang humawak ng pondo ng gobyerno.

Mining tus sey, dapat ang Kongreso na ang magtatakda kung saan dapat gagamitin ang mga buwis ni Juan.

Kakambal nito ang pagkontrol sa pagbabayad ng utang sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa mga ito, kung may halo o walang iskam. Yung may iskam ay sasalatin muna bago bayaran o hindi.

Kapag magtagumpay ang panukala, tiyak namang marami ang magagawa ng pamahalaan na pagbabago sa buhay ni Juan.

Imadyinin na lang ninyo,  Suki, na kalahati taon-taong ng P1.6 trilyong badyet ay ipinambabayad lang sa utang.

Halos buto’t balat lang ang natitirang pondo at ito ang namber wan na dahilan ng kawalan ng magandang programa ni PNoy para iangat si Juan sa hirap.-Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply