Azkals maagang pupunta sa Mongolia

UPANG masanay sa malamig na temperatura o klima, sinabi ng Philippine football team Azkals na maaga silang pupunta sa Mongolia para sa 2nd leg ng AFC Challenge.

Inamin ni Dan Palami, team manager ng Azkals, magsisimula sila ng ensayo sa Baguio sa Pebrero 21 at sa Marso 8 ay pupunta na sila sa Ulan Bator, Mongolia para masanay sa sobrang lamig ng panahon doon.

Magaganap ang Philippines vs. Mongolia sa Marso 15, 1:00 pm kung kailan inaasahang aabot sa negative 10 degrees ang temperatura roon.

Kailangan lamang ng Pilipinas na hindi malamangan ng dalawang goals upang umusad sa group stages ng AFC Challenge Cup.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply