Azkals member tumalon sa Indon team

NATUKLASAN kahapon na lumagda na si Filipino-Dutch Azkals member Jason de Jong sa Sriwijaya Football Club sa Indonesian Super League.

Ipinanganak sa Breda, The Netherlands, si De Jon ang siyang mid-fielder ng Azkals at isa sa mga sinasandalan ng team.

Naramdaman ang presensya ni De Jong sa dominadong 2-0 win ng Azkals laban sa Mongolia sa Bacolod noong isang linggo.

Nabatid na si De Jong ay dating nakalaro sa Dutch Eredivise side ng NAC Breda at KV Turnhout FC sa ikalawang dibisyon ng Belgium. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply