Azkals nanguna sa Twitter trending

TOP trending issue ng Twitter sa buong mundo ang Philippine football team na tinatawag na “Azkals.”

Lumalabas sa naturang site na inabangan sa buong mundo ang laban ng Azkals kontra Mongolia Blue Wolves Miyerkules ng gabi (PH time) sa Panaad Stadium, Bacolod City.

Sa naturang laro ay ginapi ng Azkals ang Mongolia sa iskor na 2-0.

Samantala, naghahanda na ang grupo ng Azkals para sa  ikalawang laro sa AFC Cup laban pa rin sa Blue Wolves na gaganapin mismo sa Ulan Bator,Mongolia.

Magsasanay ang grupo sa Baguio City upang mahasa silang maglaro sa malamig na temperatura sapagkat ang Mongolia, na susunod na venue ng kanilang laban, ay may malamig na klima. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply