Azkals pasok na sa AFF Suzuki Cup 2012

PORMAL ng inihayag na makalalaro na sa ASEAN Football Federation (AFF) Suzuki Cup para sa 2012 ang AZkals matapos tumaas ang ranking nito at hindi na kailangan dumaan sa qualifying stages.

Pasok na ang Azkals sa tournament proper ng AFF Suzuki Cup 2012 na gaganapin sa Thailand at Malaysia matapos mapabilang ito sa mga seeded team ng torneo, ayon kay Philippine Football Federation president Mariano Araneta.

“Seeded number 6 na ang Pilipinas at makakasama nito ang top teams sa Southeast Asia gaya ng Vietnam, Indonesia, Thailand, defending champion Malaysia at Singapore sa main competition sa susunod na taon,” dagdag ni Araneta.

Ayon sa ulat, ito ang unang pagkakataon na seeded na ang Pinas sa Suzuki Cup dahil sa pagpasok nito sa semi-finals ng nasabing torneo noong nakaraang taon.

Magugunita na noong 2010, kinailangan pa ng Azkals na lumaban sa Laos, Cambodia at Timor Leste sa isang round-robin qualifier para makapasok sa main competition.

Kasalukuyang nag-eensayo ngayon ang Azkals sa Baguio para sa nalalapit nitong laban kontra Mongolia para sa AFC Challenge Cup.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply