Azkals shirts and jerseys mabibili na

ANG TAGUMPAY ng Philippine Azkals kamakailan laban sa Mongolia Blue Wolves sa Asian Football Confederation (AFC) Cup ay nagmulat sa ating mga Pilipino na  magaling din pala tayo sa larong football.

Sa tagumpay at kasikatang tinatamasa ngayon ng Azkals hindi nakapagtatakang marami na ang nahuhumaling sa football at nangangarap na maging champion din balang araw.

Kaya naman masugid na pino-promote ng Azkals ang football sa kabataang Pilipino kasabay ang paglilikom ng pondo para matustusan ang kanilang layunin.

Ang opisyal na Azkals shirts at jerseys collection na isinuot ng mga tagahanga sa tagumpay na laban ng Azkals sa Panaad Stadium sa Bacolod ay maari nyo na ring masuot. Ang lisensyadong Azkals shirts ay mabibili na sa pamamagitan ng pag-login sa http://abscbnstore.multiply.com.

Malapit na ring maging available ang mga ito sa leading department stores nationwide. Ang ilang bahagi ng proceeds ng sales ng shirts at jerseys ay mapupunta sa kampanya ng Azkals na ma-promote ang football sa bansa.

Ang mga t-shirts na available sa white at gray ay mabibili sa halagang P300 habang ang jerseys naman ay P500 lang. Para sa mga reservations at bulk orders, maaring mag-email sa store@abs-cbn.com.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply