Azkals super lakas na!

ITINUTURING na super lakas at handa ng makipagbuno sa kahit kaninong team ang bago at pinalakas na Team Azkals matapos durugin ang South Korean players sa tune up games na ginanap sa bansa.

Sa kabila ng panalo, tila wala pa ring tiwala si Coach Hans Michael Weiss na nagpahayag na hindi pa rin siya kuntento sa performance ng Philippine team.

“Hindi seryoso sa laro ang mga players ng Azkals dahil kumpiyansa silang matatalo  ang South Korean Team,” ani ng German coach.

Ayon sa insider, umusok ang ilong ni coach Weiss sa team Azkals kahit lamang ito ng 2-0 sa first half dahil sa relax na relax na larong ipinakita ng mga Pinoy sa laban kontra Korean.

Nagawa lang seryosohin ng Azkals ang mga Koreans matapos itong umiskor ng goal sa simula ng 2nd half. Pumalo sa 4-1 ang final score ng laban.

Sa over-all asessement ni coach Weiss, nasa 90 percent na ang  kahandaan ng Azkals batay sa kanilang naging performance kahapon para sa kanilang laban sa Asian Football Confederation Challenge Cup kontra Mongolia sa Pebrero 9 sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply