Babaeng umakyat sa mataas na puno, na-rescue

NAILIGTAS sa tiyak na kamatayan ng mga tauhan ng Makati-Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) rescue team ang isang babaeng hinihinalang may diperensya sa pag-iisip, Linggo ng umaga, Pebrero 6.

Kinilala ng awotoridad ang babae sa pangalang Mary Grace, tinatayang nasa 25-30 anyos, napag-alamang dalawang buwan nang nagpapalaboy-laboy sa Ayala Avenue, nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, 10:15 ng umaga ng Linggo nang bigla na lamang naisipan ni Mary Grace na umakyat sa napakataas na puno ng Akasya sa kanto ng Ayala Avenue at EDSA.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Makati at MMDA rescue team pero nahirapan silang maibaba agad ang babae dahil nanlalaban ito.

Nang maibaba ang babae ay agad dinala ng awtoridad sa malapit na pagamutan. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply