Babaing asset patay sa kapatid na pinahuli

NAMATAY agad ang  isang babaing  asset ng mga pulis  matapos itong pagbabarilin  ng kapatid ng isang drug pusher na ipinahuli ng una sa pulisya  Biyernes ng gabi, Pebrero 18  sa Caloocan City.

Agad namatay si Rowena Andres, 38, at residente ng 172 2nd street 3rd ave., BMBA Compound, Caloocan City sanhi  ng tinamong mga tama ng kalibre .38 baril sa ulo at katawan.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek na si Noriel Badilla, alyas Totoy, at dalawa pa nitong kasamahan na nakilala lamang sa mga alyas na Dennis at Esel na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.

Base sa pinagsamang imbestigasyon nina SPO2 Bobby Mario Egera at PO2 Rommel Bautista, ng Stationg Investigation Division ng Caloocan police dakong  9:45 ng gabi ng maganap ang insidente  sa BMBA, Maligaya Compound, 3rd Avenue  Caloocan City.

Nabatid, bago ang insidente ay nahuli ang kapatid ng suspek na si Badilla sa kasong droga.

Walang piyansang inirekomenda ang piskalya.

Nagalit umano ang suspek sa kapatid, na pinaghihinalaan nitong nagsumbong at nagpahuli sa kanya.

Noong Biyernes ay nagkasalubong ang dalawa habang naglalakad si Andres kasama ang kanyang kaibigang si Marywinlove Castro sa naturang lugar.

Agad na pinatakbo ang biktima ng kanyang kaibigan at nang tangkaing habulin ni Badilla at ng apat nitong kasama si Andres ay hinawakan ni Castro ang damit ng triggerman.

Dahil dito, agad na itinutok ni Badilla ang kanyang dalang baril kay Castro at tinakot na babarilin kapag hindi binitiwan ang kanyang damit, dahilan upang pakawalan ito ng saksi.

Makalipas naman ang ilang minuto ay nakorner ng suspek at ng kanyang mga kasama ang biktima kung saan ay walang awa itong pinagbabaril sa ulo at katawan.

Nang matiyak na wala nang buhay ang biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek sa magkakahiwalay na direksiyon.

Sa follow-up operation ay naaresto ng mga pulis ang dalawa sa umano’y kasama ni Badilla sa paggawa ng nasabing krimen.  Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply