Babala laban sa energy saving device gadgets

WALANG pakundangang panloloko ang sinasapit ng marami nating kababayan sa kamay ng isang trader (kuno) ng energy saving device.

Nagbebenta ito ng ‘energy saving’ device o gadget na nakababawas daw ng konsumo sa kuryente.

Kaya ang babala ng Chokepoint, huwag nang padagdag pa sa listahan ng mga naloko o nabiktima na ng Minisun Marketing.

Buking na ng awtoridad ang modus operandi ng Minisun, subalit nakapag-ooperate pa rin ito sa maraming lugar sa bansa.

Ang modus ay ganito: lalapag ang mga tauhan sa isang lugar at mangungumbinsi na bumili ng kanilang energy saving gadget.

Sa tamis ng dila at bilis ng mga kamay sa pagmumuestra na magaling (kuno) ang kanilang produkto, aba’y  mapabibilib ka.

Kapag kumagat ang customer, yari na dahil ang ibinebentang gadget ay hindi naman talaga nakababawas ng konsumo sa kuryente.

Ang mga nasabing gadget ay ibinebenta ng mga naglalakong tauhan ng Minisun ng tumataginting na halagang P7,000 pataas.

Kung ikaw nga naman eh, nakakokonsumo at nagbabayad ng napakalaking bayarin sa kuryente, aba’y bibili ka na, di po ba?

Pero sa totoo lang, panloloko at panggagantso ang pagbebentang ito ng energy saving device (kuno) ng Minisun Marketing.

Dahil hindi totoong nakababawas ng konsumo sa kuryente ang kanilang inilalakong energy saving gadget. Buwisittttttttt.

Ang katotohanan, wala pang device o gadget sa mundo na naiimbento para maibaba ang konsumo ng kuryente.

At yan ay alam ng National Power Corporation (Napocor), Manila Electric Company (Meralco) o kaya’y mga power expert.

Kuwento nga sa Chokepoint ng isang police intelligence agent, yumaman na ang may-ari ng nasabing kompanya ng energy device.

Dahil mula pa noong 1983 at magpahanggang ngayon ay walang takot na patuloy na nag-ooperate  ang Minisun.

Nagsimula sa pangalan na ALJA Market Link at pinalitan ng pangalang Join Galaxy ng isang “Mr. Javier” matapos itong uminit sa awtoridad.

Dapat ipahuli agad ang mga ito sa mga barangay at pulis.-Bong Padua

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply