Amo, kinuyog ng pinatalsik na empleyado

NAGKAPASA-PASA ang mukha at katawan ng hepe ng Pasay City Sports Complex makaraang pagtulungang bugbugin ng dalawang pinatalsik na empleyado, Biyernes ng tanghali, Pebrero 11 sa Pasay City.

Paika-ika at may sugat sa ulo, braso at mukha nang magharap ng reklamo sa himpilan ng pulisya si Antonio Gaballo, alyas “Tony Rose” 40, ng 2298 Tramo st., Barangay. 64, Zone 8, Pasay City.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Gevani Arcenue, ang insidente ay naganap 12:00 ng tanghali sa harap mismo ng Assessor’s office sa ground floor ng Pasay City.

Nabatid na nitong nakaraang linggo, inirekomenda ng biktima kay Mayor Antonino Calixto ang pagpapatalsik sa mga suspek na sina Nerrisa Morales at Gregorio Docot na kapwa dating empleyado ng Pasay City Sports complex, Derham Parak, F.B. Harrison, nasabing lungsod.

Ang pagpapatalsik sa mga suspek ay inaprubahan ng alkalde na naging dahilan upang magkimkim ng galit ang dalawa sa biktima.

Magre-report ang biktima sa tanggapan ng alkalde nang abangan sa ground floor at pinagtulungang bugbugin.

Nang makitang nakalugmok ang biktima, pinagbantaan pa umano siyang papatayin bago nagsitakas ang mga suspek.

Nahaharap na sa kasong direct assault, physical injuries at light threat ang mga tumakas na suspek. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply