Bagong hairdo ni Pacman naging katatawanan

MUNTIK ng mahulog sa upuan sa katatawa ang mga boxing fan matapos makita ang bagong hairstyle ni 8-division world champion at pound-for-pound king Manny “Pacman” Pacquiao.

Ayon sa kanila mukhang bumibigay na si Pacman sa showbiz dahil sa pagpapapogi nito at nararamdaman na nila na malapit na itong bumitaw sa mundo ng boksing.

“Biglang naging kahawig ni Pacman si Justin Bieber sa kanyang bagong hairstyle at mukhang nagpapogi ito ng husto lalo na ng humarap kay US President Barack Obama,” natatawang sabi ng isang masugid na tagahanga ng pambansang kamao.

Nagpatawa pa ang fan na baka magsabunutan na lang sa loob ng itong sina Pacman at 5-time world champion Shane Sugar Mosley dahil  mahaba na ang buhok ng sikat na Pinoy boxer.

“Inaalala ko baka hindi magsuntukan sa loob ng ring sa Mayo sina Pacman at Mosley baka magsabunutan na lang,” pabirong wika ng fan.

Sa isang interview, sinabi ni Pacman na hindi ang buhok ng sikat na pop singer na si Bieber ang kanyang ginagaya kundi ang buhok ng sikat na martial artist na si Bruce Lee.

“Ginagaya ko ang buhok ni Bruce Lee kasi siya talaga ang idol ko,” ani Pacman sa isang interview.

Magaganap ang salpukan sa pagitan nina Pacman at Mosley sa May 7 sa Las Vegas, Nevada.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply