Bagong laya, itinumba

PATAY ang isang bagong laya nang barilin ng hindi nakilalang lalaki sa loob ng kanyang bahay, Miyerkules, Pebrero 23, sa Malabon City.

Kinilala ang biktima na si Ambrocio Dolfo, 31, ng Brgy. Catmon, dead-on-arrival sa pagamutan matapos tamaan ng bala ng kalibre .45 na baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Liza Nublo, 32, ka-live in ng biktima, nanunuod ng TV ang kinakasama nang dumating ang suspek at pinaulanan agad ng bala ang biktima bandang 8 ng gabi.

Matapos masigurong patay na ang biktima ay saka lamang umalis ang suspek.

Matatandaang isang alyas Ric-Ric na kalalaya lamang din ang naunang pinaslang ng hindi rin nakilalang suspek. Merly Iral/Rene Manahan

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply