Bagong laya itinumba

HINDI akalain ng isang lalaki na kamatayan ang sasalubong sa kanyang paglaya mula sa kulungan nang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sa Malabon City, iniulat Huwebes ng madaling-araw.

Dead on the spot ang biktimang kinilala lamang sa alyas Ric-ric, miyembro ng Batang City Jail (BCJ).

Patuloy namang nakalalaya ang hindi pa nakilalang salarin matapos maisakatuparan ang krimen.

Batay sa report, 2 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril sa isang  Dumpsite sa Sitio 6, Brgy., Catmon Malabon City.

Nabatid na tatlong sunod-sunod na putok ang narinig ng mga kapitbahay ng biktima hanggang makitang nakabulagta na ito.

Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Northern Police Distrist (NPD), tatlong tama ng bala sa katawan ng  hindi pa batid na kalibre ng baril ang  kumitil sa buhay ng biktima.

Napag-alaman na kalalaya lamang ng biktima mula sa kulungan. Merly Iral

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply