Bagong noontime show ng Dos flop ang pilot episode

TSIKA ng kaibigan namin sa panulat na hindi raw nagawang punuin ng bagong noontime show ng ABS CBN ang Ynares Sports Arena pero naging matagumpay na rin daw ang show na ito nina John Estrada, Randy Santiago, Mariel Rodriquez at Toni Gonzaga.

Hindi na raw nagtaka ang friend namin kung maraming bakanteng upuan sa general admission section ng gym. Ang dahilan daw kasi  kailan lang ito in-announce at nasentro pa raw ang slot ng publicity sa “awayan” nina John-Randy vs Willie Revillame.

Anyway, naging masaya at bongga na rin raw ang pilot telecast ng show at nakita rin sa show ang tunay na pagbabati nina Mariel at Toni.

Tsika ng source, hanggang backstage ay panay raw ang tsikahan nina Mariel at Toni, tanda na okey na talaga sila, taliwas sa naglabasan na nagpa-plastikan lang ang dalawa alang-alang sa kanilang noontime show.

Marami lang ang nagulat sa ginawang halikan nina John at Randy sa lips, kahit alam ng nakakarami na biruan lang yun. Pero pang-GP kasi ang show at maraming bata ang nanonood.

**********

Natawa na lang si Luis Manzano kay Anne Curtiz dahil gusto siyang gawin DOM or dirty old man ng kanyang kapartner sa Who`s That Girls”.

Kapag hiningan raw niya ng pabor si Anne ay hinihingi raw nitong kapalit ay condo at kotse.  “Imagine, hingan ako ng condo at kotse? Maliit lang naman ang favor na hinihingi ko pero malaki ang kapalit. Sinabi ko nga sa kanya na sa DOM lang hinihingi ang mga ganyan. Puwede na raw akong maging DOM niya! Hahaha.

“Pero I know that Anne is only joking. Pero she insists na serious siya. Malaki naman raw ang kinikita ko kaya can afford ko siyang bigyan ng kotse or condo. Ang kulit di ba?, nakatawang tsika ni Luis.

Ngayon ay may sarili nang condo si Anne bigay ng SMDC dahil siya ang bagong endorser nito kapalit ni Marian Rivera. Pero iba pa rin raw ang bigay ni Luis kaya kinukulit pa rin siya ni Anne.

“Ganyan kami maglambingan ni Anne. Parang feeling niya agad kong mabibigay ang hinihingi niya. Pero seryoso, hindi mawawala si Anne sa puso ko. Alam naman ng lahat na naging bahagi rin ng buhay ko si Anne at hindi nga lang nagtuloy-tuloy. Right now ay happy ako sa kanya dahil may bago nang nagpapatibok ng kanyang puso and I will always here for her kapag siya ay may problema,” pagtatapos ni Luis.

**************

Napaiyak sa tuwa si Nova Villa sa magandang welcome na ibinigay sa kanya  bilang bagong Kapuso. Kasama siya sa cast ng bagong teleserye ng istasyon.

“Matagal ko nang hindi naranasan yan. Kaya alam ko na mag-e-enjoy ako sa pagta-trabaho dito sa Kapuso network. Ngayon pa lang ramdam ko na ang mainit na pagtanggap nila sa akin,” say ni Nova.

More than 20 years naging talent ng ABS CBN si Miss Nova at naging very loyal siya sa naturang network. Pero dumating ang panahon na kailangan niyang mag-move-on at sumubok sa iba.

“Humingi ako ng sign mula kay Lord. Lahat naman ng ginagawa ko ay sa Kanya ko ipinagkakatiwala. If He wants me sa ganitong lugar, susunod lang ako sa Kanya. It just so happened na dito ako sa Kapuso Network dinala. And I say Amen to that,” say pa ni Nova.

Tapos na ang sitcom niya sa TV5 na Everybody Hapi at pati na ang series niyang My Driver, Sweet Lover kaya walang problema nang tanggapin niya ng offer ng GMA 7.

“Pero may gagawin pa akong isang sitcom with TV5. Hindi pa nila sinasabi sa akin kung ano yun. So, habang wala pa, tamang-tama lang na dumating itong Nita Negrita. Salamat talaga kay Lord dahil hindi ako nawawalan ng project,” sabi pa ng veteran comedienne.

Samantalang naitsika rin ni Miss Nova na maayos na ulit ang relasyon nilang magkapatid na si Tiya Pusit.  Nadaan raw sa mahabang dasal ang kanilang pagbabati. Gerry Ocampo

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply