Bagong noontime show ng Dos magtagal kaya?

MUKHANG hindi magtatagal ang bagong noontime show ng ABS CBN, ang “Happy, Yipee…” something na ipinalit nila sa “Pilipinas Win na Win.”

Sa title pa lang ng show, walang recall, at kahit ako ay hindi ko matandaan kahit ilang beses kung basahin. Kung sino man ang nakaisip nito, mag-isip sana ulit. Napaka-lakas ng loob ang Dos para itapat sa Eat Bulaga sina  John Estrada, Randy Santiago, Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga.

Parang hindi pa nadadala ang ABS CBN kina John at Randy na noon ay hindi nakapagpaangat ng rating ang kanilang show hanggang sa ito ay matsugi sa ere.

Si Mariel naman ay pang-suporta lang at hindi puwedeng maging lead host. Maaaring si Toni Gonzaga lang ang makapagdala ng hosting job ng maayos pero hindi pa rin kayang ipangtapat kahit sa mga babaeng host ng Bulaga. Malaki ang potensiyal ni Toni sa hosting kaya lang, hindi naman puwedeng siya na lang ang magdala.

Noon pa man, talagang mahina sa repartee sina Randy at John kaya talagang mangangamote pa rin sila kina Vic at Joey ng Eat, Bulaga. Kitang-kita ang mga oras na parang nabablangko silang dalawa. Mag-excuse siguro sila dahil bago pa ang programa, pero, sa tagal na ng panahon noong huli silang mag-host ng noontime show, dapat may nakita sa kanilang pagbabago, kaso ganun pa rin. Kung sa pagkain, ang tabang!

Hindi ko na nga natapos ang pilot show nila, change station na lang bigla. Yung pangalawa ganun din. Nakakabagot. Ang mga laro, nakakapagpaalala sa akin ng Wowowee. Sana maghanap ng ibang konsepto ng programa ang nasa likod ng produksiyon, hindi gaya-gaya, o may babaguhin konti pero ang konsepto ginaya pa rin. Paano nila mapasigaw ang publiko ng “Happy…” something? Marami ang hindi happy.

LOUIE ALAKDANA, ISA PANG FLOPSINA

Mukhang hindi tagumpay ang Siyete sa paglo-launch kay Louie something bilang bida ng teleseryeng “Alakdana.”

Ayon sa aking tagasubaybay ng mga programa sa telebisyon, masyado raw minadali ang pagpapa-bida dito kay Louie something dahil wala raw naming dating ang pag-arte. Napaka-hilaw pa aniya. Laging kinakain sa eksena ng batang kontrabida ng “Alakdana.”

At ang istorya ay walang kalatoy-latoy, una, hindi aniya realistic, dahil parang napaka-weird para ipanganak ang isang batang may buntot ng alakdan, at… kadiri kuno!

Ang daloy ng kuwento ay nakakabagot, alam na daw niya agad ang sunod na mangyayari, kaya lipat na lang daw siya sa Living Asia at least, may natutunan pa siya.

Kaya, nang tanungin ko siya kung ano na ang nangyari, sagot niya… ala na sa pagka-watch.  Evelyn Diao

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply