Bagong Pinoy hero si Nonito Donaire

NAGBUBUNYI ngayon ang buong bansa dahil sa tagumpay ni Nonito Donaire sa laban nito kay Mexican boxing champ Fernando Montiel.

Pambihira ang binitiwang left hook ni Donaire na tumama sa kaliwang bahagi ng ulo ni Montiel na dahilan ng kanyang pagbagsak.

Dahil sa very convincing victory ni Donaire, hinuhulaan ng mga boxing expert na susunod ito sa yapak ni Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

May dahilan kaya nagbubunyi ngayon ang Pilipinas – dahil lumutang ang bagong bayani sa katauhan ni Nonito ‘The Flash’ Donaire.

Bukod, siyempre kay Rep. Pacquiao na numero unong Pound for Pound boxer o pinakamagaling na boksingero sa buong mundo.

Para umani ng papuri sa buong mundo ang mga kababayan nating sina Pacquaio at Donaire – aba’y isang napakalaking karangalan ito.

Kaya nararapat lamang na tayo’y magbunyi dahil umangat ang imahe ng Pilipinas dahil sa achievements nina ‘Pacman’ at ‘The Flash.’

SUWAIL NA MGA ‘COP’

Tila, wala nang magagawa si Batangas PPO director S/Supt. Alberto Supapo sa mga suwail na hepe ng pulisya ng lalawigan.

Unang suwail na COP na itinawag sa Chokepoint si S/Insp. Alfredo Llorin ng bayan na dinarayo ng mga turista – ang Balite.

Hindi naman piyesta sa nasabing bayan pero ang peryahan ay namamayagpag sa iligal na sugal gaya ng  sakla, betobeto, kalaskas, kara balls, skylab at iba pa.

Imbes na hulihin, binabantayan pa ng mga tauhan ni S/Insp. Llorin at mga tanod ni Brgy. Chairman Arcadio ‘Boy’ Las.

Suwail din daw si  Alitagtag  COP S/Insp. Arturo Divino dahil bulag sa operasyon ng STL bookies ng isang Togs. Ganundin si  Talisay  COP S/Insp. Manuel Maligaya na tila ‘di alam ang bookies ni Natanuan at si Laurel COP na pikit ang mata sa operasyon ni Dikoy.

Ang COP ng Agoncillo ay bingi sa reklamo ng mga residente laban sa bookies ng pulis na si ‘Vergara.’ Maging si Nasugbu COP Supt. Antonio Malabanan dahil ‘di pansin ang operasyon ng loteng lord na si Ikyo ng Dayap, Orbos ng Maugat at Junjun Lagus, Bong Salas at Willy ng Poblacion. May VK din sina Col. Oloma at Limjoco.

Col. Supapo, sir, ano baga….ala eeee.-Bong Padua

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply