Bagong taon ng Tsinoy

PARANG mga Pilipino, kahit saan sa mundo may mga Chinese. Marami sa mga malalaking bansa ay may China town kaya ipinagdiriwang halos sa buong mundo ang Bagong Taon ng mga Chino.

Malaking  pagdiriwang at kadalasan ay grande ang selebrasyon ng Chinese New Year dito sa atin sa Pilipinas dahil malaki talaga ang impluwensya ng mga Chinese sa ating kultura at ekonomiya. May sarili nga tayong tawag sa kanila, “Tsinoy” na pinagsamang Tsino at Pinoy.

May mga salitang Chinese na ginagamit na natin at itinuturing na rin na salitang Filipino. Malakas ang impluwensya ng pagkaing Chinese sa pagkaing Pilipino at kung anu ano pa.  Napakaraming mga indibidwal na Pilipino ang may Chinese sounding family names at ang mismong Pangulo ng ating bansa ay may lahing Chinese.

Dahil Chinse New Year, mapapansin na naman natin na marami ngang mga Pilipino ang naniniwala at sumusunod sa mga paniniwala ng mga Chinese lalo at may kinalaman sa Chinese New Year.

Kaya kapag New Year celebration ng mga Tsinoy, popular hindi lang sa mga Filipino Chinese ang mga nakagawian na tuwing ganito ang okasyon kundi popular na rin halos sa lahat ng Pilipino sa buong bansa maging sa mga Filipino communities sa labas ng Pilipinas.

Maraming mga magagandang traits ang nakuha natin at natutunan sa mga Chinese lalo sa negosyo, sa disiplina at kasipagan, at sa pagiging matiyaga at loyal sa mga kamag-anak at mga myembro ng pamilya.

Napakalaki ng kontribusyon ng mga Filipino-Chinese sa ekonomiya ng Pilipinas, sila ay mahalagang bahagi ng ating bansa at ating demokrasya. Iginagalang sila bilang mga entrepreneurs, mga investors at mga business leaders. Kaya nakakalungkot isipin na ang isa sa pinakamalaking problema ng mga Chinese sa atin ngayon ay ang mga kaso ng kidnappings.

Sila ang kadalasang puntirya ng ganitong mga krimen kaya hindi siguro maiiwasa na lagi silang takot at lagi na lang nagbabantay at sobra ang ingat. Favorite target, sabi ng ng marami. Sabi ng isang Filipino-Chinese na kaibigan ko, minsan pag may napapabalita na naman na Filipino-Chinese na na-kidnap ang pakiramdam nila ay hindi pa rin sila lubusang kasali sa sambayanang Pilipino.

Pag ganun parang pakiramdam daw ng maraming Filipino-Chinese ay minorya pa rin talaga sila. Pero ang kaibigan ko na rin na yun ang nagsabi na dahil kasi tuwing may kidnapping at Chinese ang biktima doon lang parang lagi silang nabubukod tangi.

Kapag wala namang krimen ay damang-dama nila ang pagkabilang sa isang malaking komunidad ng mga Pilipino. Idagdag pa na halos lahat ng mga Filipino-Chinese dito sa Pilipinas ay dito na ipinanganak.

Ang dasal nang buong sambayanang Pilipino ay tuluyan nang mabuwag ang sindikato na nambibiktima ng mga Filipino-Chise at tuluyan na sanang mapuksa ang krimen ng kidnapping sa bansa.

Sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Pilipinas, ipinaaabot ko ang pasasalamat sa ating mga kapatid na Filipino-Chinese, sa kanilang mahalaga at magandang kontribusyon sa sambayanang Pilipino. Gong Hey Fat Choy!

Mag- email po kayo sa akin tungkol sa usaping ito sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon.-Ariel Enrile-Inton

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply