Bagong testigo vs Reyes lumutang sa Senado

LUMILINAW na ang paratang na tumanggap ng multi-milyong pabaon si dating AFP chief of staff Angelo Reyes mula sa ninanakaw na pondo ni dating AFP Comptroller ex-Gen. Carlos Garcia sa militar nang lumitaw ang panibagong testigo sa isinagawang Senate inquiry, Huwebes ng umaga, Pebrero 3.

Sa kanyang pagharap sa Senate Blue Ribbon Committee sa pamumuno ni Sen. Teofisto Guingona III, sinabi ni Col. Sonny Lim, dating aide nina Reyes, Garcia at Lt. Gen. Jacinto Ligot na ilalahad niya ang buong katotohanan sa katiwalian sa AFP.

Ngunit, ayon kay Lim, lubha siyang nangangamba sa kanyang seguridad bilang sundalo sa AFP at seguridad sa buhay, kaya lumapit muna siya sa Deparment of Justice (DOJ) upang sumailalim sa Witness Protection Program (WPP).

Sinabi pa ni Lim na gusto niyang maging state witness  at huwag matanggal sa serbisyo kung ilalantad niya ang buong katotohanan sa katiwalian na ginawa ng mga dating chief of staff partikular sina Reyes at nina Garcia at Ligot.

Tiniyak naman ni Enrile na kung kinakailangan niyang magkaroon ng sariling abogado, siya mismo ang haharap sa anumang korte upang ipagtanggol siya sa kasong kakaharapin.

Tiniyak din ni AFP chief of staff Lt. Gen. Ricardo David na hindi malalagay sa alanganin ang kanyang serbisyo sa militar dahil pinayagan ng administrasyon na tumestigo ang sinumang opisyal at tauhan ng AFP sa lahat ng imbestigasyon ng katiwalian. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply