Bagong witness sa Venzon slay lumutang
PINAGDUDUDAHAN ng carnapping syndicate leader na si Raymond Dominguez ang pahayag ng bagong saksi na lumutang sa pagdinig ng Quezon City Prosecutors Office kaugnay sa pagdukot at pagpatay sa car dealer na si Venson Evangelista, Biyernes ng hapon, Pebrero 4.
Ayon sa bagong witness, sinabi ni Jojo Quiliza na nakita niya si Dominguez nang bisitahin ang shop ni Venson Evangelista gabi ng Enero 12, 2011, isang araw bago madukot ang car dealer at i-test drive ang Toyota Land Cruiser na nakatakdang ibenta sana.
Ang bangkay ni Evangelista ay natagpuan noong Enero 18 sa Cabanatuan, Nueva Ecija.
Sa kanyang 10-pahinang rejoinder na isinampa sa tanggapan ni Asst. City Prosecutor Jaime Villanueva, inakusahan ni Dominguez ang saksi na si Quiliza bilang isang “coached witness”.
Ayon kay Quiliza, personal niyang nakaharap si Dominguez at nakilala niya ito nang ang huli ay dinala sa Camp Crame kung saan ito nakakulong ngayon.
Idiin naman ni Dominguez na dahil madilim ang gabi, hindi naman nakilala ni Quiliza ang taong pumunta sa shop ni Evangelista na noon ay sakay ng taxi at hiniling na i-test drive ang Land Cruiser.
Ani Dominguez, noon lamang naaalala ni Quiliza ang kanyang mukha nang magsumite siya ng counter-affidavit noong Enero 28, 2011.
Nauna nang pinabulaanan ni Dominguez na siya ay sangkot sa pagdukot at pagpatay kay Evangelista at hindi rin nakipagkita at inatasan ang isa pang suspek na si Alfred Mendiola para kunin ang Land Cruiser noong Enero 13 dahil siya ay nasa isang court hearing sa Malolos noong panahong iyon.
Si Mendiola at isa pang suspek na si Ferdinand Parulan ay nagsabing si Raymond at kapatid na si Roger ang utak ng naturang krimen sa car dealer. Santi Celario
You must be logged in to post a comment Login