Bagsakan ng droga sa Pasig sinalakay, bebot dakip

SINALAKAY ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency  (PDEA) ang isang apartment na duplex sinasabing bagsakan ng droga sa bisa ng search warrant sa Pasig City, 1 p.m. ng Miyerkules.

Nadakip sa raid si Allen Dela Cruz, ng 320-A, Dr. Sixto Ave. Brgy. Caniogan, nabanggit na lungsod.

Bandang 1 ng tanghali nang isagawa ang raid sa pangunguna ng kanilang hepe na si Wilkins Villanueva, Regional Director ng Metro Manila Regional Office.

Nakumpiska sa raid  ang walong sachet ng shabu, empty sachet plastic, digital na timbangan, aluminum foil na may lamang shabu at P100,000 cash money.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong Sec.8, 11, at 12 Article 11, ng Republic Act 9165 ngayon ay nakakulong na sa tanggapan ng PDEA. Jun Ferrer

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply