Bagsakan ng droga sinalakay ng PDEA

TATLO katao ang nadakip ng mga tauhan ng Metro Manila Regional Office ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos salakayin ang bagsakan ng iligal na droga sa likod ng isang barangay hall sa Caloocan City.

Kinilala ni PDEA Regional Director Wilkins Villanueva  ang mga nahuling sina Egay Guerrero, 47 at Tony Luna, 44, kapwa ng Brgy. 152, Bagong Barrio, Caloocan at Alvin Castro, 19, ng Narra Alley, nasabing lugar.

Nakatakas naman ang dalawa pa nilang kasamahan na kinilalang sina Grace at Macmac Romano, 27.

Ang isinagawang pagsalakay ay bunsod ng search warrant na inisyu ni Hon. Judge Aurelio Ralar ng Caloocan City RTC branch 120 sa isang bahay sa Brgy. 152 sa likod umano ng barangay hall sa naturang lugar.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang bulto ng shabu na katumbas ng halagang P50,000. Alex Ching

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply