Bagyo sa bansa di tuloy

HINDI na magiging ganap na bagyo ang namataang low pressure area makaraang masira ang cloud formation nang lumapag ito sa kalupaan ng Mindanao.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), wala na ang nagbabantang bagyo na napaulat na tatama sa bansa ngunit makararanas pa rin ng pag-ihip ng hanging amihan at pag-ulan partikular sa Visayas at Mindanao dahil sa kumalat na kaulapan.

Makararanas din ng above average rainfall ang lalawigan ng Eastern Visayas Surigao at Zamboanga .

Magiging malamig pa rin ang panahon sa buong bansa na may temperatura na 19 hanggang 29 degrees Celsius. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply