Baha at landslides nakaamba sa Visayas, Mindanao

NAKAAMBA ang  muling pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang parte ng Visayas at Mindanao bunsod ng namataang low-pressure area.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) forecaster Manny Mendoza, posible pa rin namang hindi maging ganap na bagyo ang nasabing LPA.

“Sa kasalukuyan ay 50-50 ang chance niyan. Pag tumama yan sa lupa mababasag yan. Sa kalupaan ng Mindanao walang nabubuong bagyo. Pero kung ito ay  lilihis ng Mindanao at lalabas ng Sulu Sea may posibilidad  itong mabuong bagyo,” sabi ni Mendoza sa isang panayam sa dzBB.

Kung maging bagyo man ang nasabing pagsama ng panahon, “Amang” ang magiging pangalan nito, kauna-unahang bagyong tatama sa bansa ngayong taon.

Kung hindi man maging ganap na bagyo ang LPA, magdudulot naman ito ng mga pag-ulan sa Mindanao at Visayas.
“Magpapaulan ito talaga sa Mindanao at Visayas,” dagdagpa ni Mendoza.

Batay sa 5:00a.m bulletin ng PAGASA, namataan ang sama ng panahon sa layong 120 kilometers (km) southeast sa Davao City. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply