Baha, landslides, nakaamba sa Palawan

NAKAAMBA ang pagragasa ng baha at landslides makaraang magbanta ang cold front  sa southern areas sa Palawan, ayon sa weather forecasters, Pebrero 5.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakakaapekto ang buntot ng cold front  sa southern Luzon at Visayas.

Sa kanilang 5 a.m. bulletin, mararamdaman ang northeast monsoon sa Northern at Central Luzon.

“Southern Luzon and Visayas will experience mostly cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms becoming cloudy with widespread rains over Southern Palawan which may trigger flashfloods and landslides,” batay pa sa Phivolcs.

Makararanas naman ng maulap na papawirin ang buong bansa na panaka-nakang pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply