Bahay ng abogado nilimas sa San Juan City

NAGREKLAMO ang isang abugado sa pulisya matapos limasin ng mga hinihinalang akyat-bahay ang kanyang bahay habang nasa kasarapan ng pagtulog, Miyerkules Pebrero 2, sa San Juan City.

Ang biktima ay nakilalang si Attorney Vladimir Uy ng 476 R.Pascual st. Brgy. Batis, ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa biktima nasa pagitan ng ala-una hanggang ala-5 ng madaling araw habang nasa kasarapan ng kanyang tulog ay pumasok ang mga salarin sa kanyang bahay.

Laking gulat na lang niya dahil pagkagising ay bukas na ang bintana ng kanyang kwarto, bintana ng kanyang banyo.

Kasama sa natangay sa biktima ay Lenovo laptop, COR 17 na may serial no.QBO2111684, isang cell phone na Nokia E63. Ben Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply