Bakbakang Donaire-Montiel sasambulat na

UMAATIKABONG sapakan ang magaganap sa Linggo, Pebrero 20, sa pagitan nina Nonito Donaire (25-1-0,17KO) at Fernando Montiel (44-2-2,34 KO).

Kapwa nakuha ng dalawa ang 118 lbs limit para sa WBC-WBO title fight na gaganapin sa Mandalay Bay Events Center sa Las Vegas.

Nagbanta si Montiel na ang bakbakan nila ay mauuwi sa knockout kung siya ang mananalo bago mag-round 10.

Subalit tinawanan lamang ito ni Donaire sa pagsasabing magaling si Montiel kung makikilala niya kung sino si “Filipino Flash” sa kanilang paghaharap ngayon.

Kasabay nito, si Gabriel Martinez (27-1-1-1,14KO) ay tumimbang ng 147lbs sa kanilang sapakan ni Pinoy pug Mark Melligen (20-2-0,14KO) na tumimbang naman ng 148 lbs.

Samantala, si Jesus Soto Karras ( 24-5-3-1, 16KO) ay tumimbang ng 146 lbs kung saan hahamunin niya si NABO champion Mike Jones ( 23-0-0,18KO) na tumimbang ng 147 lbs. GP

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply