Bakit may plea bargain

SA nakaraang ilang buwan lang dalawang kaso na ng ‘plea bargain’ ang
narinig natin.

Ang plea bargain daw ni General Garcia na sinasabing nagtaas ng pera ng military at ang plea bargain ni Congressman Ronald Singson na nahuli daw na nagdala ng bawal na gamot sa Hongkong.

Ano ang kaibahan? Bakit nga ba nagkakaroon ng plea bargain?

Kasama sa proseso ng isang kaso sa husgado ang tinatawag na plea bargaining. Ibig sabihin sa simpleng salita, tawaran. Offer at counter offer ng
mga counsel ng magkabilang panig.

Halimbawa kapag sa tingin ng isang akusado ay mas pwedeng matalo sya sa kaso at ma-convict, pwede sya pumasok sa isang plea bargain, halimbawa, gaya ng ginawa ni Congressman Singson na, umamin sa kasalanan for a lesser offense kaysa isugal nya na ma-convict para sa mas mataas na sentensya at krimen.

Halimbawa pa, kung ang kaso ay attempted homicide, makikipag plea
bargain ang akusado para sa kasong physical injury na lang, aamin na
sya sa kasalanan ng pananakit pero sa mas mababang sentensya.

Ang prosecution naman ay papayag kung pwede na sa tingin nila, lalo kung,
gaya nga daw ng kaso ni Garcia, ay mahina daw ang ebidensya at baka
matalo pa.

So usually ang plea bargain ay nangyayari depende sa pananaw ng akusado at prosecution. Pero pwede rin na hindi pumayag ang isang panig sa isang plea bargain.

Halimbawa, gaya nga sa kaso ni General Garcia, mas marami ang nagsasabi na sana ay hindi pinayagan ang plea bargain dahil lugi ang taong-bayan at malakas naman daw ang kaso laban sa heneral.

Pero para sa akin, bilang abogado, ang mahalagang end result pa rin ng isang plea bargain ay hustisya. Dapat justice has been served.

Sa nangyayaring iskandalo sa Armed Forces of the Philippines dahil sa katulad na kaso ni Garcia, maraming opinyon.

Maski ako, tinatanong ko pa rin, naihain ba ang hustisya sa plea
bargain kay Garcia?

Ang tanong nga ng isang mambabatas, kung isosoli
ni Garcia ang perang sinasabing kinamkam nya, ang ibig sabihin noon ay
hindi sa kanya ang pera.  Ang pera ay sa mga Pilipino, isosoli ni
Garcia ang kalahati para sa mas mababang sentensya.

Ang sabi ng mga abogado ng pamahalaan, mahina daw kasi ang kaso laban kay Garcia. Kaya mas mabuti nang pumasok sa isang plea bargain para hindi matalo ang pamahalaan.

Pero marami ang hindi sangayon. Marami ang nagsasabi na hindi dapat pinapayagan ang ganito dahil hindi mapuputol ang ganitong mga kaso.

Ang tanong pa rin, sa kabila ng katotohanan na isang ligal na proseso ang isang plea bargaining, nakamit ba ang hustisya?

Nahuli si Garcia at ang kanyang asawa at mga anak, pero mahina daw ang kaso ng bayan laban sa ganitong krimen, may hustisya ba dito?

Maraming tanong sa puso ng taong bayan. Maraming panghihinayang
dahil big fish na daw sana si Garcia.  Pero ang mas hindi maganda,
maraming nagiisip pa rin na hindi nakamtan ang hustisya.

Mag- email po kayo sa akin tungkol sa usaping ito sa:
ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin
at opinyon
.-Ariel Enrile-Inton

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply