Bakit walang ambahador ang Pinas sa Australia?

IPINAGTATAKA ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy kung bakit tila nakaligtaan ng gobyerno na maglagay ng kinatawan ng Pilipinas sa mga bansang kung saan ay in-demand ang mga manggagawang Filipino.

Partikular na tinukoy ni Herrera-Dy ang Australia.

Sa malaking bansang ito na kung tawagin ay “Land Down Under,” wala umanong foreign affairs o labor representative gayung ito ay isa sa maaaring mapuntahan ng mga overseas Filipino worker (OFW) na umalis sa mga bansang Libya, Egypt, Bahrain at New Zealand at mawawalan ng trabaho.

“The government must not concentrate only in repatriating OFWs from conflict-stricken countries like Libya, but must also take concrete steps in re-deploying them to other areas that need their skills and services,” ayon sa kongresista.

Aniya, maraming bakanteng trabaho sa Australia para sa mga skilled worker, subalit walang labor attaché o ambassador na umaasikaso sa pagde-deploy ng mga OFW.

Hinikayat ni Herrera-Dy ang administrasyong Aquino na madaliin ang pagpapadala ng mga kinatawan ng Departments of Foreign Affairs at Labor and Employment sa Australia upang may makipag-negosasyon ukol sa mga trabahong maaaring mapasukan ng mga OFW.

Sinabi pa ng bagitong kongresista na respetado ng mga Australiano ang mga Pinoy. Bukod dito, wala umanong diskriminasyon sa Austraila, partikular sa usapin ng sahod.

Si Herrera-Dy ang nanguna sa delegasyon ng mga nakababatang halal na opisyal sa Pilipinas na inimbitahan ng pamahalaan ng Australia para sa isang-linggong exchange program na itinaguyod ng Australian Political Exchange Council  sa pakikipagtulungan ng Philippine Center for Young Leaders in Governance.

Kasama ni Herrera-Dy sa pag-e-exposure sa nasabing bansa sina: Rep. Irvin Alcala (LP, Quezon); Naga City Mayor John G. Bongat; Duero Mayor Cornelius F. Ocay, Cagayan de Oro City Vice Mayor Ian E. Acenas, Tacloban City Councilor Jerry S. Uy at Katrina Marie V. Santillan ng PCYL.

Napag-alaman ng delegasyon sa kanilang courtesy call kay Australian Prime Minister Kevin Rudd at iba pang opisyal na bukod sa madalian ang pangangailangan sa mga manggagawang Pinoy ay may posibilidad ding mapasigla ang turismo sa Pilipinas kung maeengganyo ang mga Australiano na magbakasyon sa Pilipinas.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang delegasyon ng Pilipinas na makausap sina Speaker Harry Jenkins ng House of Representatives at Senator John Hogg, Senate President ng nasabing bansa.

“We are calling on the DOT (Department of Tourism) to push strongly for a share of the huge and rich market of Australian tourists,” ayon kay Herrera-Dy. Meliza Maluntag 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply