Bala, metal sa Maguindanao massacre victims isasailalim sa ballistic exam

HINILING ng prosekusyon ng Maguindanao massacre case na payagan ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na makapagsagawa ng ballistic examinations sa mga slug at bahagi ng metal na nakuha ng medico-legal expert sa katawan ng mga biktima.

Ang hakbang na ito ay isinagawa ng prosekusyon matapos magbigay ng palagay si Atty. Paris Real nitong Huwebes na ang mga metal na nakuha sa katawan ng ilang biktima ay posibleng nagmula sa pag-opera sa kanila noong sila ay nabubuhay pa.

Sa 7-pahinang mosyon, hiniling ni Deputy Senior State Prosecutor Richard Anthony Fadullon sa QCRTC Branch 221 na mag-isyu ng kautusan na pinapayagan ang pag-examine sa mga bahagi ng metal na isinumite ni Dr. Felino Brunia, Jr. sa korte noong Miyerkules.

Si Brunia ay medico-legal officer ng Philippine National Police (PNP) na nagsagawa ng awtopsiya sa katawan ng mga biktima ng masaker.

Matutukoy umano sa ballistics examination kung saan nagmula ang bala ng baril na tumama sa mga biktima.

Ayon sa prosekusyon, ang nasabing ballistics examination ay maaaring maisagawa ng Firearms Identification Division ng PNP sa Camp Crame, na may kagamitan at sapat na kaalaman para isagawa ang nasabing mga test.

Aniya, humihingi ng court order ang pulisya para maisagawa ang ballistics examination at isusumite ang resulta sa panahon na itakda ng korte.

Matatandaang inamin ni Brunia sa naganap na cross-examination na nakalimutan niyang ibigay sa awtoridad ang slugs at bahagi ng metal na nakuha niya sa na-autopsy na mga bangkay noong Nobyembre 25 at 26, 2009.

Ang nasabing mga ebidensiya ay itinago niya lamang sa kanyang cabinet sa General Santos City. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply