Balasahan sa Korte Suprema iginiit ng PMJ

NANAWAGAN ang grupong Peoples’ Movement for Justice (PMJ) sa Korte Suprema na magsagawa ng malawang balasahan sa hanay ng mga mahistrado at iba pang matataas na opisyal ng Hudikatura upang makamtan ng bansa ang tunay na kalayaan at hustisya.

Sinabi ni Lauro Vizconde, miyembro ng PMJ, napapanahon na upang magsagawa ng pagbalasa sa hanay ng hudikatura simula sa pinakamataas na posisyon ng Mahistrado gayundin sa mga tiwaling Hukom at clerk of Court.

Dahil dito kaya magsasagawa ng 72-oras na pag-aayuno ang grupo ni Vizconde para sa “Fast for Judicial Integrity” kung saan iinom lamang ang mga ito ng tubig habang nagpipiket sa harap ng Korte Suprema.

Paliwanag ng PMJ ang fasting ay isa lamang serye ng kanilang plano para sa judicial reforms.

Nanawagan din ang grupo sa publiko na suportahan ang kanilang panawagan para sa makahulugang pagbabago sa sistema ng Hudikatura sa Pilipinas. Teresa Tavares

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply