Balasahan sa Korte Suprema iminungkahi

NANAWAGAN ang grupong Peoples Movement for Justice sa Korte Suprema na magsagawa ng malawakang balasahan sa hanay ng mga mahistrado at iba pang matataas na opisyal ng Hudikatura para makamtan ng bansa ang tunay na kalayaan at hustisya.

Sinabi ni Lauro Vizconde, miyembro ng PMJ, napapanahon na upang magsagawa ng makahulugang revamp sa hanay ng hudikatura simula sa pinakamataas na posisyon ng Mahistrado gayundin sa mga tiwaling Hukom at clerk of Court.

Dahil dito kaya magsasagawa ng 72-oras na pag-aayuno ang grupo ni Vizconde para sa “Fast for Judicial Integrity” kung saan iinom lamang ang mga ito ng tubig habang nagpipiket sa harap ng gusali ng Korte Suprema sa Padre Faura St., Ermita, Manila.

Paliwanag ng PMJ ang pag-aayuno o fasting ay isa lamang serye ng kanilang plano para sa judicial reforms.

Layunin ng kanilang protesta ay para sa total overhaul sa tinawag nilang totally bankrupt, corrupt at reactionary judicial system at para rin sa pagtatatag ng genuinely transparent, free, democratic at socially just Philippine society kung saan ang hustisya ay hindi lamang para sa mayayaman kundi para sa lahat.

Nanawagan din ang grupo sa publiko na suportahan ang kanilang panawagan para sa may sistema at makahulugang pagbabago sa sistema ng Hudikatura sa Pilipinas. Teresa Tavares

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply