Balat sibuyas at sensasyonalismo

HINDI natin gaanong maintindihan kung ano ang gustong palabasin ng mahal nating “Boss” sa Malakanyang sa salita nitong sensasyonalismo sa media.

Kaugnay ito ng pahayag ni Boss na mas gusto pa ng ilang mediamen ang maging sensasyonal kaysa magbalita ng katotohanan.

Kung patuloy umano  silang susuportahan ng mga adbertayser sa media, nakadadagdag lang ang mga ito sa mga problema sa republika na nais niyang masolusyunan.

Pinalalabo o pinadidilim ba ng sensasyonalismo ang kalagayan ng bansa na pilit hinahatiran ng “liwanag” ni PNoy?

oOo

Talagang hindi natin alam kung ano talaga ang sensasyonalismo para sa Pangulo.

Maituturing ba na sensasyonalismo ang paglalabas ng media ukol sa laruan niyang P4 milyon plas na   Porsche…at pagpaparenta  sa kanya ng mamahalin ding sasakyan na Lexus?

Sensasyonalismo rin ba ang paniningil ng media kay PNoy ukol sa nasabi nito sa kampanya sa halalan na isusulong niya ang Freedom of Information Bill? Sa alaala natin, sinabi ni PNoy na dapat may bakap na batas ang malayang pangangalap ng mamamayan ng balita, lalo na sa mga opisina o opisyal o empleyado ng gobyerno.

Naging mainit kasi na isyu sa halalan ang Executive Order 464 na sumiper sa bunganga ng mga opisyal ni Gloripie noon sa mga imbestigasyon sa mga bilyon-bilyon pisong iskam.

oOo

Aaah, napakarami, Suki, ang dapat na mapag-usapan sa pamahalaang PNoy na sa panlasa ng iba ay di oki.

Ano kaya kung makinig si Boss sa boses ng tunay niyang Boss, si Juan, bago niya husgahan ang media ng sensasyonalismo?

Eh karaniwang inilalabas lang naman ng media ang mga pangako noon ni PNoy na nagbabalat sibuyas ngayon.-Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply