Baler Church nanawagan para maibalik ang nawawalang kampana

NANAWAGAN ang pamunuan ng Baler Church sa publiko at antique collectors na agad ipagbigay-alam sa kanila kung sakaling may nakapagbenta sa kanila ng ninakaw na mga antigong gamit at kampana ng simbahan.

Ang nasabing antigong kagamitan ay may tatak ng San Luis Obispo, pawang galing pa sa Italy.

Naiulat na magmula nang matapos ang Ikalawang Digmaan Pandaigdig ay unti-unti nang nangawala ang mga nasabing gamit ng Simbahan ng Baler.

Ang Simbahan ay itinayo noong 1611 at ipina-renovate ni Doña Aurora Quezon bago matapos ang WWII.

Sinabi naman sa panayam kay Senador Ed Angara na maaari umanong taga-simbahan lang din ang kumuha sa mga nawawalang kagamitan.

Ang ilang residente rin ay nagsasabing maaaring opisyal ng simbahan ang kumuha sa mga antigong gamit at dinala sa ibang bansa.

Samantala, ang mga natirang gamit kabilang na ang tatlong kampana at anim na chandellier ay nakatago at pinangangalagaan na ng mga curator sa Museo de Baler. Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply