Banggaan ng tren ayusin muna bago ang fare hike

SAAN mo man tingnan, nakatatakot ang banggaan ng tren na Light Railway Transit at Metro Rail Transit sa Metro Manila.

Maalaala ninyo, Suki, yung pambobomba ng mga terorista sa LRT Blumentritt station, Manila at tinatawag na Rizal day bombing noong Disyembre 30, 2000? Nasa 22 pasahero ng LRT ang namatay at daan-daan ang nasugatan.

Kung magbanggaan ang mga LRT at MRT, ano sa palagay ninyo ang mangyayari?

Sa nakaraang banggaan ng mga tren ng LRT kamakailan, suwerti na maituturing ang lahat dahil nagkataong walang pasahero ang mga ito.

Tanong: paano kung nagkataon na sardinas ang mga pasahero sa banggaan? Paano na lang kung nahulog ang mga tren sa mga kalsadang puno ng sasakyan at tao?

Tiyak na mas masahol pa sa epekto ng bomba ng terorista ang ibubunga ng mga banggaan na yan.

oOo

Ngayon naman ay atat na atat ang mga konsesyonaryo at ang gobyerno na magtaas ng pasahe sa mga LRT at MRT. Hindi umano tatakbo nang maayos ang mga tren kung lugi naman sila.

Ito ngayon ang punto.

Ang naganap bang  banggaan sa North EDSA ay bunga ng mababang pasahe?

At habang mababa ang pasahe ay nanganganib ang mga pasahero dahil sa hindi magiging maayos ang pagpapatakbo ng tren?

Sanabagan.

Kung ito ang utak ng mga konsesyonaryo, mabuti pang ganap nang kumpiskahin ng gobyerno nang buo ang LRT at MRT.

Sa ibang punto naman, hangga’t hindi naaayos ang kaligtasan ni Juan sa pagsasakay riyan, hindi dapat na maningil ng mahal na pamasahe ang mga ito.

Mahigit isang milyon araw-araw ang pasahero ng LRT at MRT at dapat ang kaligtasan ng mga ito ang unahin at hindi yang pagkamal ng malaking tubo sa negosyo.-Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply