Bangkay hinukay, niluray

KALUNUS-LUNOS ang sinapit ng isang magandang dalagita na namatay na ay pinagsamantalahan pa ang kanyang bangkay sa mismong sementeryong pinaglibingan dito sa lalawigan ng Aurora.

Labis ang paghihinagpis ng mga magulang ng biktimang itinago sa pangalang Ashley, 16, dahil sa paglapastangan sa kanilang anak ng suspek na kinilala sa alyas na ‘Kato,’ 23, at kalugar  ng mga ito.

Ang biktima ay namatay sa isang sakit at inilibing noong Pebrero 12 sa isang public cemetery sa lalawigan.

Nabatid na hinukay ng suspek ang pinagbaunan sa bangkay ng biktima, binuksan ang kabaong at nang tumambad ang buo pang bangkay ng dalagita ay saka ito ginahasa.

Mabilis na tumakas ang suspek at iniwang nakatiwangwang pa ang kabaong ng kaawa-awang dalagita.

Isang kababaryo ang nakakita sa suspek habang ito ay papatakas mula sa sementeryo.

Agad na ipinagbigay alam  ng saksi ang pangyayari sa mga awtoridad.

Nabatid na ang bangkay ay buo pa dahil ilang araw pa lamang itong naililibing at hindi pa naaagnas dahil sa embalsamo.

Pinaniniwalaang ito ay isang kaso ng necrophilia na kung saan ang isang tao ay naaakit at nagnanasa sa isang patay.

Kauna-unahan itong kaso ng necrophilia na naitala sa nasabing lugar.
Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek at ina-alam rin kung ito ay nasa impluwensiya ng droga.  Susan C

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply