BAR kinondena ng BOC men sa NAIA vs OT pay

MARIING kinondena ng mga kawani ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport  ang umano’y “pambabastos” ng Board of Airline Representatives sa pakikipagnegosasyon nito hinggil sa nabinbing overtime pay ng ahensiya ng pamahalaan.

Tinuligsa ng BoC si Jojo Veneracion, BAR passenger services and regulatory charge committee, sanhi sa liham na ipinadala noong Enero 31, 2011 sa tanggapan ni NAIA-Customs deputy collector Tess Roque.

Batay sa liham, iminungkahi ni Veneracion sa Customs District III na 50 porsiyento ng kabuuang overtime na pinaghirapan ng mga kawani ang kanilang babayaran at yung natitirang 50 porsiyento ay pilit na ipinapa-waive ng BAR.

“Despite the categorical ruling of the Court, the BAR members agreed on again offering the payment of 50 percent of the BoC invoices through October 2009, with the BoC waiving the remaining 50 percent.

The payment represents the goodwill on the part of BAR members and cannot be construed as any admission of liability to pay BoC overtime, meal and transportation allowances,” anang nilalaman ng liham ni Veneracion.

Dagdag pa sa sulat ni Veneracion, na isang kawani ng Delta Air, bilang konsiderasyon ng BAR sa patuloy na pagsuporta ng BoC para makamit ang pay structure ng lahat ng ahensiya ng gobyerno sa paliparan, buong pagmamalaki nitong sinabi na, “Kindly let me know no later than 11 February 2011 if this is acceptable so that we can disseminate the information to the BAR members.”

Noong July 2009, idineklarang illegal ng Court of Appeals ang Customs Administrative Order 1 na bahagi ng Tariff and Customs Code of the Philippines na nagsasaad na pagbayarin ang airlines ng mga ginawad na overtime ng Customs employees. Mula noon, di na nakatanggap ng overtime mula sa BAR ang mga kawani ng BoC sa NAIA.

“Hindi nagustuhan ng aming mga kasamahan sa bureau ang ginawang ito ni Veneracion na kumakatawan sa BAR. Isang uri ng pambabastos ang ginawa niya sa amin. Eighteen months na hindi nakatatanggap ang mga nag-overtime, tapos ganyan pa ang iaalok sa amin,” ani Agnes Domines, vice president ng BOC-NAIA Customs Employees  at spokesperson ng grupo.

Ang desisyon ng Court of Appeals noong July 9, 2009, ay hindi pa final at executory. Binigyang-diin ni Domines na hangga’t wala pang desisyon na nagmumula sa Supreme Court, hindi maaring gumawa ng hakbang ang BAR kaugnay sa pagtigil nitong pagbabayad ng overtime sa BoC.

Noong May 12, 2010, inatasan ng Court of Appeals ang BAR na sundin ang desisyon ng Office of the President noong Marso 12, 2010 base sa Section 12 ng Rule 43 of the Rules of Court na ipagpatuloy ang pagbabayad ng OT pay sa bureau, na ipinagkibit-balikat lang nito. Benny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply