Barako players pinababayaran

MAKUKUHA ng mga aktibong miyembro ng Barako Bull ang kanilang malaking halagang back wages sa oras na madetermina ang kabuuang pananagutan ng koponan sa bawat kasapi.

Kinumpirma na rin ito ni Philippine Basketball Association commissioner Atty. Chito Salud ngunit hindi pa sigurado kung kailan ito ipatutupad.

”The timetable for settlement will be set after total liability is ascertained,” pahayag ni Salud na una nang nakipagpulong kay Barako Bull board representative Raffy Casiao.

Matatandaan na ang Barako Bull ay naghain na ng temporary leave of absence sa second conference para makapasok ang Smart Gilas national developmental squad.

Ngunit kinailangan umanong maayos muna ng team ang kanilang obligasyon sa mga miyembro. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply