Barangays sa JoLo, Sulu lubog sa baha

DALA nang walang humpay na pag-ulan, ilang barangay sa Sulu ang iniulat na lubog sa baha, habang libong residente na ang inilikas sa ligtas na lugar.

Sa panayam kay B/Gen Romeo Tanalgo, Island Command commander, sinabi nitong bunsod ng malalakas na pag-ulan nitong nagdaang gabi ay umabot na hanggang walong talampakan ang tubig baha sa ilang barangay doon.

Malaking halaga na rin aniya ng mga ari-arian ang nasira, partikular sa mga barangay ng Asturias, Tulay, Alat at San Raymundo.

Ayon pa kay Heneral Tanalgo, nakaalerto ang kanilang grupo at naka-standby ang kanilang mga trak, rubber boats ng Marines para sa rescue operation. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply