‘Bastos’ na billboards nais tuluyang ipagbawal

DAHIL nakasisira sa pokus  sa  pagmamaneho ang naglalakihang  billboards  na may halos nakahubad  na  modelo kaya  nais itong tuluyang ipagbawal  ng isang mambabatas at  bigyan ng mas mabigat  na kaparusahan  at  multa  sa mga lalabag ayon na rin sa nakasaad sa Billboard  Regulation Act.

Ito ang  nilalayon ng  House  Bill 1842 ni Rep. Marcelino Teodoro (1st District, Marikina City) upang  bigyang babala  ang billboards owners or  operators  sa pagpapaskil  ng  kanilang naglalakihang  billboards.

Nais ng  mambabatas  na mas  palakasin pa  ang  Billboard Regulation Act upang magkaroon ng  regulasyon  sa  konstruksyon, paggawa  at  pagmintena  ng billboards kasabay  ang  katiyakang  ligtas  ang mamamayan  sa pagpili nang  naayon na  poster.

Hiniling ni Teodoro  ang agarang pagpasa sa kanyang panukala para maging ganap na  batas upang  magkaroon ng kontrol  sa naglalakihang billboards  sa   kalunsuran lalo na at may dalang panganib kung  hindi ito nailalagay sa tamang  posisyon.

Nakasaad  sa panukala ni  Teodoro  na  walang  papayagang  billboards  at  signs na  itatayo  sa  may  senyales ng  trapiko sa  lansangan  o kaya  ay  official traffic  sign  signal o  device dahil nakalilito ito sa motorista.

Ipagbabawal  din ang paglalagay ng billboards sa may natural  view  ng landscape, lalo na ang  cultural  values  at  traditions ng mamamayang  Pilipino.

Ang right-of-ways at paggamit ng  reflective materials  ay ipinagbabawal din sa pagkakabit ng billboards.

Hiniling ni  Teodoro sa kanyang panukala  ang pagkuha ng  permit  at  annual inspection   fees  mula  sa  awtorisadong   local  governmetn unit  (LGU) officials ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at  sa   Metro Manila Development Authority (MMDA) makaraang makapagbayad  ng mga  itinakdang  bayarin  sa pagkabit ng  billboards. Beth Aragon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply