Basurero niratrat ng sekyu todas

APAT na bala ang tumapos sa buhay ng isang basurero matapos pagbabarilin ng isang sekyu habang namumulot ng basura sa loob ng dumpsite sa Barangay Salawag, Dasmariñas City, iniulat Linggo, Pebrero 6.

Kinilala ang biktima na si Roldan Nalimutan Sevilla, 34, ng Barangay San Antonio San Pedro, Laguna habang mabilis namang tumakas ang suspek na si Junjun Gloria Garcia, 34, security guard, ng Sitio Silangan barangay Salawag, nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO2 Alex Alovera, may hawak ng kaso, 1 ng hapon nitong Sabado nang mamataan ang biktima na pumasok sa loob ng dumpsite upang mamulot ng basura na binabantayan naman ng suspek.

Nang mapansin ng suspek  ang biktima ay agad niyang sinigawan ito para pagbawalan pero nakipagtalo pa si Sevilla,

Habang nagkakasagutan, bumunot ng baril ang sekyu saka pinagbabaril ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay agad tumakas ang suspek, habang nakuha naman sa lugar ng insidene ang apat na basyo ng cal. 45. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply